Panawagan sa mga nagsipagtapos
sa Muntinlupa National High School
February 13, 2012
Mahal na Nagsipagtapos sa Muntinlupa National High School,
Magandang araw sa inyong lahat.
Matagumpay na naidaos ang ika-3 Grand Reunion noong Pebrero 3-5, 2012 at nais nating kilalanin ang malaking nagampanan ng mga naunang MUNHSAF Board sa pangunguna nila Oyie Villanueva Valarao (Class of 1956) at Vangie Onas Orosco (Class of 1964) para tayo ay mabigkis at magkasama-sama muli.
Sa susunod na dalawang taon, nais ng kasalukuyang MUNHSAF Board na makumpleto na ang nasimulan na Alumni Building.
Ang Alumni Building ang magsisilbing permanenteng repositorio ng ating mga records at memorabilia na naglalaman ng mayamang kasaysayan hindi lang ng ating klase kundi ng buong paaralan.
Ito ang magandang balita. Ang two-storey Alumni Building na sinimulan noong panununkulan ni Oyie Valarao ay 80 porciento nang nakatayo. Tingnan ang mga retrato online:
https://picasaweb.google.com/totingbunye2000/AlumniBuilding?authkey=Gv1sRgCOOjoOepifOFTw#slideshow/5708051524001785858
Kaunting trabaho na lang ang kailangan at ang isang Alumni Building na ating
tunay na mapapakinabangan at maipagmamalaki ay magkakaroon ng buong kaganapan.
Ang iyong MUNHSAF Board ay nagbalangkas ng isang Alumni Building Fund-Raising Plan kung saan ang lahat ng nagsipagtapos ay may pagpakakataon na makalahok sa halagang abot-kaya ng lahat.
Sa minimum contribution na P20.00 (na katumbas lamang ng All Text 20), ang lahat ay may pagkakataong makatulong sa completion ng ating gusali.
Ang contribution ay "graduated" o tataas ng P1 bawat taon (mula taon ng graduation) ayon sa Plan na inyong pipiliin.
Ang iba't ibang plano ng pagtulong ay Donor (Basic) , Patron (2x Donor), Sponsor (3x Donor), Foreign Based (4x Donor). Ang Friends of MNHS ay para sa mga hindi nagsipagtapos sa MNHS pero nakikiisa sa ating layunin at nais makatulong.
Halimbawa: Ang graduate ng 2011 ay maaaring mag-donate ng P20 bilang Donor, P40 bilang Patron o P60 bilang Sponsor. Kung siya naman ay nasa abroad, ang donation niya ay P80.
Ang graduate ng 1960 ay maaring mag-donate ng P71 bilang Donor, P142 bilang Patron o P213 bilang Sponsor. Kung siya naman ay nasa abroad, ang donation niya ay P284.
Ang Friends of MNHS ay open.
Kung tutuusin, maaring sabihin na ang halagang nabanggit ay butil lamang. Pero tandaan natin na ang mga butil pag napagsama-sama ay nagiging salop at ang salop pag napagsama-sama ay nagiging kaban.
Ang inyong contribution ay maaari ninyong ideposito ng diretso sa anumang branch ng Bank of the Philippine Islands sa pangalan ng MNHS Alumni Building Fund.
Hintayin po lang ninyo ang susunod na kalatas na nagsasaad ng Account Number sa sandaling pormal na makapag-open nang account ang inyong Board.
Hanggang sa muling kalatas, ako ay sumasainyo,
(SGD) Toting Bunye
Pangulo, MUNHSAF
CP 09175076055
(Paki-forward lang po sa inyong mga kapamilya, kapuso, kasangga at katoto na nagtapos sa Muntinlupa National High School. Salamat po.)
|
|